Kapatagan, kagubatan, kalawakan at karagatan
Tanging ikaw ang may lalang
Tao, hayop at mga halaman
Iyong nilikha sa isang iglap lamang
O Ikaw ang kinikilalang Ama ng sanlibutan
Sapagkat kami’y iyong inaalagaan
Hindi hinahayaang kami’y mahirapan
Tanging pinaparamdam ay kaginhawaan
Ngunit mga tao’y sadyang makasalanan
Sinuway mga utos mo nang walang pag-aalinlangan
Kung kaya’t ngayo’y nahihirapan
Sa mga unos ng buhay na pinaparamdam
Mga tao nawa’y matauhan
Kapamilya, kapuso, kabarkada o maging sino ka man
Bata, matanda, babae, lalaki o maging ano ka man
Tayo’y magbago, magsisi at magtulungan
Sa mga oras ng kapighatian
Upang ang maylikha ay masiyahan
Sapagkat tayo’y nagmamahalan
