Nalilito kung bakit ako nagkakaganito

Dati nama’y walang nadamang pagkalito

Nasanay na sa relasyong malayo sa isa’t isa

 

Ngunit nang ika’y makilala

Puso’t isip ko’y hindi na mabahala

Ang gusto lagi’y kasam’t kayakap ka

 

Nagseselos kapag nalamang may kasama kang iba

Nagagalit kapag may ibang pangalang binabanggit ka

Nalulumbay kapag boses mo’y hindi marinig

Naiiyak kapag maalala mga sandali nating kay saya

 

 

Tinuruan mo ang pusong magmahal

Kung kaya’t ako ngayo’y nahihirapan

Sapagkat malayo ka, O aking mahal

Gayunpaman, pag-ibig mo’y nararamdaman

Kahit pa na tayo’y hindi magkasama, O aking mahal

 

Nalilito..nalilito..ang puso ko

Kung bakit ganito

ang nararamdaman ng pusong dati’y bato

 

Pangarap ka sa twina

gusto ka nang makasama

 

O bakit nga ba nagkakaganito

Siguro nga’y mahal ka nang talaga ng puso kong ito…