Sino nga ba ako para magreklamo?

Sa kahirapang natatamo ko

Isang nilalang lamang mula sa abo

Ngunit mga pangyayari sa sarili’y di mapagtanto

Sarili’y di maintindihan

Lalo na ang nararamdaman

Puso’y di mapagbigyan

Sapagkat natatakot na masaktan

Talento’t kaalaman ay sapat na

Ngunit may ibang bagay na sadyang di maintindihan pa

Pang-iinsulto at panlalait ay natikman na

Dahilan sa pisikal na anyong sa aki’y nakikita

Maraming pagsubok ang dumating na

Ngunit isa ma’y walang nagpatumba

Tanging Diyos na may likha

Ang gabay ko sa twina

Hanggang ngayo’y nagtatanong

Anong buhay ang kasasapitan

Ang tanging alam ko lamang

May Diyos akong kinikilala at sasambahin

magpakailanpaman…